MAKATI CITY, Philippines – Ililipat na si Janet Lim Napoles sa Makati City Jail matapos maghain ng commitment order sa Camp Crame, Quezon City si Makati Regional Trial Court Branch 150, Judge Elmo Alameda.
Wala namang tiyak na oras kung kailan dadalhin si Napoles sa Makati City Jail.
Kaninang umaga ay inihain ng CIDG-NCR ang warrant of arrest laban kay Napoles matapos itong sumuko ng kusa kay Pangulong Aquino kagabi.
Naunang sinabi ng Makati RTC na sa Makati City Jail ikukulong si Napoles dahil dito isinampa ang kaso.
Sa ngayon, walang pang naghahain ng petisyon para manatili sa Camp Crame si Napoles kaya otomatiko itong ikukulong sa Makati City Jail.(Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)