Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Reggae beat na “God Will Always Make a Way”, unang grand finals entry sa ASOP Year 5

$
0
0
Ang interpreter at composers ng ASOP Song of the Month na sina Jek Manuel, Ronald Calpis at Glenn Bawa. (CEDRIC LORENZO / Photoville International)

Ang interpreter at composers ng ASOP Song of the Month na sina Jek Manuel, Ronald Calpis at Glenn Bawa. (CEDRIC LORENZO / Photoville International)

CALOOCAN, Philippines — Nagbunga na ang pagtitiyaga sa pagsali sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ng magkaibigang Glenn Bawa at Ronald Calpis na mula sa Pasig matapos tanghaling unang “Song of the Month” ang kanilang kolaborasyon na “God Will Always Make a Way.”

Napaindak sa reggae beat nito ang mga huradong sina OPM icon Boy Mondragon, singer actress Jackie Lou Blanco at Doktor Musiko Mon del Rosario.

Pinag-isipang maigi ng regular ASOP viewer na si Glenn ang lapat na genre sa isinulat na lyrics ng kanyang kaibigan na visually-impared na si Ronald.

Ani Bawa, “Ano kayang magandang form. Mauna ‘yung chorus. Magkaroon kaagad ng statement. Eh, ang reggae popular sa gano’ng format. Nauuna ‘yung chorus e then all throughout the song, paulit-ulit na siya to emphasize ‘yung message.”

Pahayag naman ni Calpis, “Yung makapag-inspire ng mga tao kasi ‘yung maraming tao marami silang alalahanin sa buhay. Marami silang iniisip. So, kaya namin naisip ‘tong ganitong idea, bunga ng siyempre kami rin naman po, meron kaming mga alalahanin, so advise din namin sa mga tao at advise namin sa sarili namin na ‘Wag mag alala.”

Naging rebelasyon naman sa amin ng interpreter nitong si Jek Manuel na isa ang reggae music ay isa sa mga inihahanda niyang awit sa kanyang mga gig.

“Ang masasabi ko kasi ‘yung “Ako’y Sa’yo” acoustic, album filler noon kaya nando’n siya sa album which is siya ‘yung sumikat pero originally, we started from rock music… naimpluwensyahan din ako ng reggae. So, I love listening to reggae music. So, hindi siya bago,” anang interpreter na si Jek Manuel.

Samantala, isa ang ASOP sa nagbukas ng pinto sa pagbabalik music scene ng OPM icon na si Boy Mondragon sa pagiging hurado nya sa programa.

Si Boy Mondragon ay ang original singer ng isa sa sumikat na awit ng kompositor na si George Canseco na ni-revive ng singer na si Donna Cruz noong dekada nobenta na “Rain” na muling nyang ipinadinig sa audience. (ADJES CARREON / UNTV News)

The post Reggae beat na “God Will Always Make a Way”, unang grand finals entry sa ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481