Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

AFP Cavaliers, nakalasap ng unang pagkatalo kontra Malacañang Patriots

$
0
0
Ang pagsasaya ng bench ng Malacañang Patriots matapos palasapin sa AFP Cavaliers ang kaunaunahan nitong pagkatalo sa Season 5 ng UNTV Cup. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

Ang pagsasaya ng bench ng Malacañang Patriots matapos palasapin sa AFP Cavaliers ang kaunaunahan nitong pagkatalo sa Season 5 ng UNTV Cup. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

PASIG CITY, Philippines — Tinapos ng Malacañang Patriots ang five-winning streak ng AFP Cavaliers matapos palasapin ng unang pagkatalo sa pagsisimula ng second round eliminations ng UNTV Cup Season 4 sa score na 85 – 75.

Sa umpisa pa lang ng laban ay nagpakawala na agad ng back-to-back triples si Visnu Das Javier upang ipakita ang determinasyong magwagi ng Malacañang na dimonima ang apat na quarters.

Sa pamamagitan ng back-to-back score ni Mesina sa mahigit huling limang minuto ng laban, naitala ng Patriots ang pinakamalaki nilang kalamangan na 18 points sa score na 73 – 55.

Hindi na nakaporma pa ang Cavaliers na pilit naghahabol sa last quarter sa opensa ng Malacañang na pinangunahan nina Jenkins Mesina at Andro Requez na kapwa tinanghal na Best Player of the Game.

Nagtala ng 15 points at 5 rebounds si Mesina habang may 12 markers at 5 rebounds naman si Requez.

Nanguna naman sa Cavaliers si Boyet Bautista na may 22 points at 4 rebounds.

Sunod na makakalaban ng Malacañang ang MMDA sa December 4.

Naitala naman ng BFP Firefighters ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at umangat sa team standings sa record na 5 panalo at isang talo kapantay ng nangungunang AFP Cavaliers matapos talunin ang Senate Defenders sa score na 74-72.

Tinanghal na Best Player of the Game si Fire Volunteer Marlon Adolfo na may 34 points, kabilang ang anim na three points, 3 rebounds, 2 steals at isang block.

Nakapagtala lamang ng 12 points at 8 boards si Senate Defenders playing Coach Kenneth Duremdes na na-eject from the playing court bago matapos ang first half.

Makakaharap ng BFP sa December 9 ang defending champion Judiciary Magis.

Samantala mas nanaig naman ang MMDA Black Wolves kontra sa kapwa mabilis na team na NHA Builders sa kanilang pagtatagpo sa score na 78-76.

Sa huling 36 na segundo ng last quarter nagawang itabla ang score na 75-all sa pamamagitan ng three points ni Antonio Lustestica Jr. ng NHA.

Ngunit agad bumawi ang MMDA sa pangunguna ni Jeffrey Sanders.

Kumamada ng 32 points at 14 rebounds si Sanders.

Nag-ambag naman sina Cyril Santiago at Ronee Santos ng tig-11 points at 7 rebounds.

Samantalang tumikada ng 32 points, 5 rebounds at tig-isang assist, steal at blocks si Antonio Lustestica Jr. ng NHA Builders.

Nalaglag sa 3-3 win-loss record ang NHA na haharap sa Judiciary Magis sa December 4. (BERNARD DADIS / UNTV News)

The post AFP Cavaliers, nakalasap ng unang pagkatalo kontra Malacañang Patriots appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481