CEBU, Philippines — Umabot na sa isandaan at lima ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng barkong MV St. Thomas Aquinas sa Talisay City, Cebu.
Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, sa mahigit isandaang namatay, siyamnapu’t siyam sa mga ito ang pasahero habang lima ang crew ng barko at isang wala pang pagkakakilanlan.
Tatlumpu’t dalawa naman ang patuloy pang nawawala na kinabibilangan ng 26 na pasahero habang 7 naman ang crew ng barko.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang retrieval operations sa bangkay ng mga nasawi. (UNTV News)