MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagbibitiw sa tungkulin ni National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas.
Nagbitiw si Rojas matapos ang ginawang pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa dalawang NBI Officials na umano’y may kaugnayan sa pork barrel scam at sinasabing nagtimbre kay Janet Lim Napoles tungkol sa arrest warrant laban sa kanya
Samantala, bagamat wala pang aksyon ang Palasyo sa resignation ng NBI chief, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nananatili ang tiwala ng Malakanyang kay Rojas.
Hindi din naniniwala ang Palasyo na magkakaroon ng epekto sa pork barrel investigation ang ginawang pagbibitiw ni Rojas. (UNTV News)