MANILA, Philippines — Nakatakdang magsagawa ng state visit sa Pilipinas sina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan mula January 26 hanggang 30 sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang state visit ay bilang pagtugon sa matagal nang imbitasyon ni Pangulong Aquino sa kanila.
Taong 1962, nang unang dumalaw ang dalawa na noo’y crown prince at princess pa lamang.
Ayon pa sa DFA, malaki ang maitutulong ng pagbisita ng emperor at empress sa higit pang pagpapatibay pa ng relasyon ng dalawang bansa. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Emperor at empress ng Japan, dadalaw ng Pilipinas sa Enero sa susunod na taon — DFA appeared first on UNTV News.