Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Recruitment ng citizen soldier sa bansa, paiigtingin ng Armed Forces of the Philippines

$
0
0
Deputy Chief of Staff for Reservists and Retiree Affairs, J9 Rear Admiral Aurelio Rabusa Jr. sa programa ni Kuya Daniel Razon na Get It Straight nitong Lunes, Disyembre 7, 2015. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)

Deputy Chief of Staff for Reservists and Retiree Affairs, J9 Rear Admiral Aurelio Rabusa Jr. sa programa ni Kuya Daniel Razon na Get It Straight nitong Lunes, Disyembre 7, 2015. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)


QUEZON CITY, Philippines —
Citizen soldier o reserved soldier ang tawag sa pwersa ng mga mamamayang boluntaryong sumusuporta sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines.

Ito ang military reserve force ng bansa na nakakatuwang ng pamahalaan sa pagsugpo ng internal conflict, humanitarian assistance, rescue, relief operations sa panahon ng kalamidad at pagtataguyod ng pag-unlad sa mga komunidad.

Sa programang Get It Straight with Daniel Razon, inihayag ni Deputy Chief of Staff for Reservists and Retiree Affairs, J9 Rear Admiral Aurelio Rabusa Jr., na paiigtingin ng AFP ang recruitment ng laang kawal o citizen soldiers sa bawat probinsya.

“Ngayon po seseryosohin natin simula 2016 hanggang sa 2022, ang ibig pong sabihin noon, ay kailangang makita natin sa bawat probinsya may army, navy, at air force,” ani RADM Rabusa.

Sa 2016, mag-uumpisa ang AFP ng assembly test para sa reserve force sa unang 15 probinsya.

Layon din nitong paigtingin ang pagsasanay at itaas ang antas ng kapasidad ng reservists upang pangunahing makatuwang sa disaster response at rescue operations.

Bahagi rin ito ng AFP Modernization Program.

Ayon pa kay Rear Admiral Rrabusa, malaki ang maitutulong ng reservists sa AFP upang makapag-focus ang pangunahing pwersa ng militar sa pagbabantay at pagtatanggol ng teritoryo ng bansa.

“Para mabawasan ang trabaho ng ating mga regular na armed forces troops at sila na yung mag-maintain ng community defense nila locally by province… itong ating regular troops or armed forces para makapag-concentrate sa ating territorial defense ng buong bansa.”

Aminado naman ang opisyal na sa ngayon, marami pang nararapat na magawa bago tuluyang maipundar ang isang world-class reserve force ng Pilipinas. (ROSALIE COZ / UNTV News)

The post Recruitment ng citizen soldier sa bansa, paiigtingin ng Armed Forces of the Philippines appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481