PASIG CITY, Philippines — Tinalo ng MMDA Blackwolves ang Malacañang Patriots, 64 – 51 upang umakyat sa ikalawang pwesto sa team standings 5-2, kasama ang Bureau of Fire Protection.
Dahil sa panalo lalo pang tumaas ang tsansa ng Blackwolves na makapasok sa semi-final round.
Umiskor si Cyril Santiago ng 17 points at humatak ng 10 rebounds upang pangunahan ang MMDA sa panalo.
Nag-ambag rin si Jeffrey Sanders at Ermel Idria na may combined points na 23 points at 11 rebounds.
Nalalag naman ang Malacañang sa ika-apat na pwesto na may 4 na panalo at tatlong talo.
Susunod na makakalaban ng MMDA ang PNP sa darating na Miyerkules, December 9, ala-singko ng hapon sa Ynares Sports Arena.
Umangat naman ng isang pwesto ang defending champion Judiciary Magis matapos talunin ang NHA Builders sa score na 83-78.
Nalaglag naman sa ilalim na pwesto ang NHA na may 3- 4 win-loss record, samantalang ang Judiciary ay may 3 panalo at talong talo.
Nanguna sa Magis si Ariel Capus na may 24 points, tig-apat na rebounds at assist at 2 steals.
Nag-ambag naman ng 24 points si Don Camaso 13 rebounds at 3 steals.
Bigo naman ang BFP Firefighters na makuha ang kanilang ika-limang sunod na panalo ng talunin ng PNP Responders sa score na 96 – 78.
Tumikada ng 32 points at 7 rebounds si Ollan “The Sniper” Omiping para sa Responders.
Nasa ikatlong pwesto na ang PNP na may apat na panalo at dalawang talo. (BERNARD DADIS / UNTV News)
The post MMDA Blackwolves umakyat sa ikalawang pwesto ng team standings ng 2nd round eliminations ng UNTV Cup Season 4 appeared first on UNTV News.