Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

27 estudyante, nagsipagtapos sa short training courses program ng Aksyon ni Kuya

$
0
0
Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan, nagtapos na ang 27 mga estudyante na mapalad na nakatanggap ng libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program nitong Biyernes, August 30, 2013.

Ito ay bahagi ng public service ni Kuya Daniel Razon na makapagbigay ng libreng edukasyon sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan nito, mayroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makapag-training kahit hindi sila nakapagtapos ng pagaaral.

Bilang tulong ay irerefer ang mga bagong graduate sa mga kumpanyang may kaugnayan sa SOFIA para mabilis silang magkaroon ng trabaho.

Tutulungan din sila ng SOFIA maging sa pagkuha ng lisensya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Professional Regulation Commission (PRC).

“We are hoping na kung ano man ang matutunan nila dito sana ay magamit nila yun para sa sarili nila at sa pamilya nila, makatulong sila sa maraming mga tao at kababayan at makatulong sila kung saan man sila mapuntang kumpanya,” pahayag ni SOFIA Training and Review Director, Engr. Reginaldo Marinay.

Walang pinipiling edad ang training, basta’t pursigidong matuto ay tatanggapin at tuturuan ng SOFIA.

Nagpapasalamat naman ang mga nagsipagtapos dahil sa napakagandang pagkakataon na makapag-aral ng libre.

Laking pasasalamat naman ng mga estudyante dahil nabigyan sila ng pagkakataong makapag aral ng libre.

“Maraming salamat po at naanyayahan po ako, na naka-attend po ako sa pagaaral na ito,” ani Victor Dilasan.

Ayon naman kay Reynante Campano, “nagpapasalamat ako sa UNTV na nag-sponsor po para sa libreng paaral sa electrician at sa powerhouse na sila po yung nagtuturo kung wala po ito siguro problema ko pa din yung pagaaral.”

Kabilang sa mga short courses na libreng inaalok ng SOFIA at UNTV ang building and wiring installation.

Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay magbubukas pa ng mas maraming kurso ang Aksyon ni Kuya na maaaring pasukan ng maraming Pilipino. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481