MANILA, Philippines — Matapos ang ‘A Million People’s March to Luneta’ nitong Agosto 26, isa na namang pagkilos kontra pork barrel ang isinusulong sa social media.
Ang event na tinawag na ‘EDSA Tayo’ ay ipinaskil sa social media event.
Nananawagan ang mga organizer nito sa publiko na muling magkaisa at lumahok sa isang rally laban sa pork barrel na gaganapin sa Edsa Shrine ngayong Setyembre 11.
Planong magsagawa ng mga rally hangga’t hindi inaalis ni Pangulong Aquino ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. (UNTV News)