Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Korte Suprema, nagpatawag ng oral arguments sa January 19 para sa citizenship issue ni Sen. Grace Poe

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Grace Poe (Photoville International)

FILE PHOTO: Senator Grace Poe (Photoville International)


MANILA, Philippines —
Nagpatawag na ng oral arguments ang Korte Suprema upang talakayin ang issue sa citizenship ni Sen. Grace Poe.

Itinakda ng Supreme Court ang oral arguments sa January 19 ng susunod na taon, ganap na alas dos ng hapon.

Inatasan din ng korte ang Senate Electoral Tribunal na magsumite ng kanilang comment sa petisyon ni Rizalito David sa loob ng 15 araw.

Inihain ni David ang petisyon bilang apela sa desisyon ng SET na nagsasabing isang natural-born Filipino citizen si Poe at kwalipikado itong maupo bilang senador ng bansa.

Kinuwestyon ni David ang pagkamamamayan ni Poe sa pamamagitan ng quo warranto petition sa SET sa paniwalang hindi natural-born citizen ang senadora dahil hindi tukoy kung sino ang mga tunay na magulang nito hanggang sa kasalukuyan. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Korte Suprema, nagpatawag ng oral arguments sa January 19 para sa citizenship issue ni Sen. Grace Poe appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481