PASIG, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team ang bangaan ng isang 10-wheeled truck at UV express sa kahabaan Ortigas extension, Pasig City pasado alas-2:34 ng madaling araw ng Miyerkules.
Nagtamo ng ilang galos sa pisngi at tuhod ang driver ng UV Express na si Rolando Mendoza, 52 anyos na kaagad namang binigyan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue at saka inihatid sa Taytay, Rizal Hospital.
Ayon sa driver ng truck na si Jayren Abugan, 24 anyos, biglang huminto ang taxi sa kanyang harapan kaya niya ito iniwasan.
Ngunit nabangga naman nito sa tagiliran ang UV express na minamaneho ni Mendoza.
Samantala, tinulungan naman ng UNTV News and Rescue team ang motorcycle rider na naaksidente sa Marikina City matapos madulas sa basang kalsada dulot ng pag-ulan.
Nagtamo ng galos sa kamay at paa si RJ Surrilla na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.
Tumanggi naman na magpahatid sa hospital ang biktima at sinabing kaya na nyang makauwi sa kanilang bahay. (GARRY PEREZ / UNTV News)
The post Driver ng UV express na nabangga ng 10-wheeled truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue team appeared first on UNTV News.