Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dismissed Makati Mayor Junjun Binay, sinampahan ng bagong plunder complaint sa Office of the Ombudsman

$
0
0
FILE PHOTO: Makati City Mayor Jejomar Edwin 'Junjun' Binay (UNTV News)

FILE PHOTO: Makati City Mayor Jejomar Edwin ‘Junjun’ Binay (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sa ikalimang pagkakataon muling inireklamo ng graft at plunder ni Atty. Renato Bondal si dismissed Makati Mayor Junjun Binay sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Bondal, may dalawang IT firms na umano’y dummy at pinaboran ni Binay noong mayor pa ito ng Makati.

Ang dalawang IT firms ay ang Codeworks.ph Inc. at Powerlink.com Corporation na inereklamo na rin ni Bondal.

Ayon kay Bondal, sa halip na ang mga IT company na ito ang nagbibigay serbisyo, ang mga tao mismo sa Makati City Hall ang gumagawa nito.

Ito’y sa kabila nang patuloy na pagbabayad ng malaking halaga ng Makati LGU sa dalawang kumpanya na umaabot nasa 828 million pesos.

Pahayag ni Atty. Bondal, “Walang trabahong ginagawa ang mga kumpanyang ito. Binibigyan ng kontrata, binabayaran ng hundreds of millions of pesos pero ang gumaganap na dapat ginanap ng mga kumpanyang ito ay mga empleyado din ng city hall ng Makati.”

Paliwanag pa ni Bondal ang mga kumpanyang ito ay may koneksyon sa mga tauhan ni VP Binay na dummy sa kanyang mga proyekto.

Halimbawa na lamang si Marguerite Linchnock ng Codeworks.phl na asawa umano ni Gerry Limlingan na sinasabing dummy ni Vice President Binay, at si Hirene lopez ng Powerlink na konektado rin kay Limlingan.

Dagdag pa ni Bondal, “Na-subject na sa AMLAC itong mga taong to kaya pag nakita nyo may mga joint account sila, pag naihambing tong AMLAC report lalong lilinaw na kila VP Binay lang napunta tong pera na to.”

Nang tanungin kung may ebidensya, sinabi ni Bondal na may mga testigo siya na magpapatunay sa mga katiwalian ni Binay at nakikipag-ugnayan na sila sa DOJ upang ma-isailalim ang mga ito sa Witness Protection Program.

Humahanap na rin si Bondal ng iba pang dokumento na magpapatunay na dawit din sa katiwalian si Vice President Jejomar Binay.

Sinabi naman ni Atty. Rico Quicho ng kampo ni Binay na ang bagong reklamo ay bahagi pa rin ng demolition job laban sa Pamilya Binay.

“It is another recipe for demolition which only aims to discredit the vice president while lowering the bar of political discourse where Mr. Bondal and his cohorts thrive,” ani Atty. Rico Quicho. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)

The post Dismissed Makati Mayor Junjun Binay, sinampahan ng bagong plunder complaint sa Office of the Ombudsman appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481