Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Panukalang magtataas sa SSS pension, pinag-aaralan pang mabuti ni Pres. Aquino — Malacañang

$
0
0
FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III noong March 15, 2012 sa kanyang opisina. (Malacañang Photo Bureau)

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III noong March 15, 2012 sa kanyang opisina. (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malakanyang na nasa tanggapan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magtataas sa monthly pension ng mga benepisyaryo ng Social Security System o SSS.

Dagdag ng P2,000 across the board ang magiging dagdag sa pensyon ng mga miyembro ng SSS.

Kung maaaprubahan, kabuuang P3,200 ang makukuhang benepisyo ng mga pensioner mula sa kasalukuyang P1,200.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., ang panukalang ito ay under review na ng pangulo.

Tumanggi rin munang magbigay ng posisyon ang Malakanyang sa pension increase issue at sa magiging epekto naman nito SSS.

Sinabi ni Secretary Coloma, na mas mabuting hintayin na lamang ang pasya ng pangulo hinggil dito.

Bilang tugon ito ng Malacañang sa panawagan ni Senator Bongbong Marcos Jr. na lagdaan na agad ni Pangulong Aquino ang naturang panukala.

Ayon kay Marcos na co-author ng Senate version ng naturang panukalang batas, matagal na dapat itong naipasa.

Mula pa noong 1997 ay hindi pa nadadagdagan ang natatanggap na benepisyo ng mga pensioner ng SSS.

Ang proposed SSS pension increase ay naisumite na sa Malakanyang noong Lunes at hinihintay na lamang ang lagda ng pangulo upang maging ganap na batas. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Panukalang magtataas sa SSS pension, pinag-aaralan pang mabuti ni Pres. Aquino — Malacañang appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481