Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit 200 tauhan ng QCPD, nag-donate ng dugo

$
0
0
Hindi lang ang kanilang buhay ang handang ibigay ng mga magigiting na pulis na ito, pati ang kanilang mga dugo. (UNTV News)

Hindi lang ang kanilang buhay ang handang ibigay ng mga magigiting na pulis na ito, pati ang kanilang mga dugo. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Mahigit 200 tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nag-donate ng dugo sa Philippine Blood Center (PBC) para sa mga nangangailangan.

Ayon kay Philippine Blood Center officer in charge Dr. Andres Bonifacio, malaking tulong ang naturang blood donations lalo na sa mga pasyenteng may sakit na leukemia at dengue.

“Hindi pa tapos ang ating laban kailangan pa natin ng maraming kabalikat para masustain natin at itaas ang antas ang quality ng blood sa ating mga kababayan.”

Sinabi naman ni QCPD Deputy Director for Administration, Police Sr. Supt. Joel Pagdilao na lagi silang nakahandang tumugon lalo na’t malaking tulong ito para makapag-salba ng buhay ng maraming kababayan.

“Yung pulis natin nagbibigay ng dugo para makapagsalba ng buhay sa mga nangangailangan.”

Tiniyak naman ng Philippine Blood Center na dumadaan sa matinding pagsusuri ang mga donasyong dugo bago ibigay sa mga nangangailangan ng blood transfusion.

“Lahat ng dugo na ibinigay natin sa pasyente should undergo a mandatory testing for a five transfusion transmissible infection namely HIV 1&2, hepatitis B&C, siphilis at malaria,” pahayag pa ni Dr. Bonifacio.

Nananawagan ang Philippine Blood Center sa mga nagnanais mag-donate ng dugo na tumawag lamang sa kanilang hotline # 709- 37-92 / 709-37-03. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481