PAMPANGA, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue team ang babaeng nabangga ng jeep sa may McArthur Hi-way sa Barangay San Vicente sa bayan ng Apalit pasado alas-tres ng hapon, Linggo.
Kinilala ang biktima na si Aling Arlene Caintik, 48 years old at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, patawid ang biktima sa kalsada nang bigla na lamang syang nabangga ng jeep.
Nagtamo si Caintik ng sugat sa ulo at namamaga naman ang kanang tuhod.
Ang jeepney driver na nakabangga kay Caintik ang nagdala sa kanya sa isang klinika.
Ngunit dahil sa hindi mapatigil ang pagdurugo ng ulo at pagsuka, dinala na ng UNTV ang biktima sa ospital.
Nangako ang nakabangga sa biktima na sasagutin lahat ng gastusin sa hospital.
Samantala, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalakeng nabungo naman tricycle sa Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Carlos Castro, limangput limang taong gulang.
Iniinda ni Castro ang pamamanhid ng kanyang mga kamay at paa.
Hindi rin nito maigalaw ang kanyang katawan kaya matapos magsagawa ng assessment ang grupo dahan-dahan itong ini-stabilize at inilagay sa back board.
Matapos bigyan ng paunang lunas, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council naman ang naghatid kay Castro sa Jecson Medical Center. (Joshua Antonio / Bryan Lacanlale / UNTV News)
The post Babaeng nabundol ng jeep sa Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team appeared first on UNTV News.