DAVAO CITY, Philippines — “Ayoko! Mayabang sya, mag-number 2 muna sya! Tsaka na kapag number 2 na sya!”
Ito ang sagot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hamon ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa isinagawang dialogue with the media dito sa Davao City.
Giit pa ng PDP-Laban Presidential Candidate mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang mga isyu ng bansa at ang pagpaplano ng pagpapatupad ng kanyang mga plataporma, kesa ang hamon na debate ni Roxas.
Ayon sa alkalde ang pagsugpo ng krimen ang dapat na manguna sa lahat lalo na ang mga krimeng may kinalaman sa droga at saka nito isusunod ang peace processes.
Ani Duterte, “Drugs must stop, crime must stop, corruption must stop. Then we begin the peace process. Sabay yan.”
Layunin din di-umano ni Duterte na dagdagan ang security forces ng gobyerno ng mahigit kumulang sa 3,000 hanggang 4,000 ka tao, maging scout rangers or special forces, bilang inisyatibo at kontribyuson nito sa laban ng sambayanan kontra terorismo.
Pahayag ni Duterte, “It will not be directed against the MILF, MNLF or NPA, but against the more pressing issue which is terrorism.”
Patungkol naman sa Spratly’s, ayon kay Duterte ang lahat ng pag-uusap, maging multilateral or bilateral, ay magsisimula sa agenda na ang Spratly’s ay sa Pilipinas.
“If I think that, that is to the best interest of the Filipino people, I will talk bilateral pero dito tayo mag-umpisa, ang agenda, ‘This is Ours’, tapos sige, usap tayo.”
Ang lahat ng ito ay sa kabila di umano ng kasong diskwalipikasyon laban sa kanya.
“That is for the judge to answer. I was not a part of it because I was not even really running at that time,” dagdag pa ni Mayor Rodrigo Duterte.
Inaasahang babalik na ang mayor at presidential candidate sa Maynila pagkatapos ng naturang media dialogue. (JOEIE DOMINGO / UNTV News)
The post Debate challenge ni Roxas at kasong diskwalipikasyon, sinagot ni Duterte appeared first on UNTV News.