MANILA, Philippines — Bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay.
Batay sa resulta ng 4th quarter survey ng Social Weather Station na lumabas nitong Lunes, Disyembre 22, 2015, 28% ng mga respondent ang dissatisfied sa work performance ni Binay kumpara sa 25% noong Setyembre.
Ito na ang pinakamababang satisfaction rating na nakamit ng pangalawang pangulo mula nang maupo siya sa pwesto.
Malaki naman ang binaba na satisfaction rating ni Senate President Franklin Drilon na mula +42 ay bumaba sa +7.
Pareho namang nakakuha ng -1 net satisfaction rating si Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. (UNTV News)
The post Net satisfaction rating ni VP Binay, Sen. Pres. Drilon, House Speaker Belmonte at CJ Sereno, bumaba appeared first on UNTV News.