Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Chinese kidnap victim, na-rescue ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa Sorsogon

$
0
0
Ang dalawa sa limang suspek sa pagdukot sa isang Chinese kidnap victim. (PNP-AKG)

Ang dalawa sa limang suspek sa pagdukot sa isang Chinese kidnap victim. (PNP-AKG)


BICOL Region, Philippines —
Na-rescue na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group ang Chinese kidnap victim na si Giovanni Rossano Tan noong Dec. 22 sa Matnog, Sorsogon.

Ayon kay PNP-AKG Director P/SSupt. Roberto Fajardo, naaresto rin nila ang limang suspek kung saan dalawa sa mga ito ang ex-convict na nakilalang sina Marlon Atizo at Drackilou Falcon.

“On going ang investigation and we are trying to determine kung may ibang grupo pa na nasa labas,” ani Director Fajardo.

Na-recover sa mga suspek ang isang Mitsubishi Adventure, iba’t ibang uri ng baril, bala at magazine, mga cellular phone, two-way radio at mga plate number ng sasakyan na ginagamit sa kanilang operasyon.

Kinidnap si Tan sa Tarlac noong Dec. 10 kung saan pinatay pa ng mga kidnapper ang security aide nito.

Itinago ang biktima sa Mindanao at saka dinala sa Sorsogon kung saan na rescue ng mga awtoridad sa tulong ng CCTV kaya na-trace ang dinaanan ng mga suspek.

Kaya naman panawagan ng AKG sa mga mambabatas, amyendahan at palakasin ang batas para sa kidnap for ransom cases.

Pahayag ng AKF director, “Sa ating mga mambabatas come up with strong and political will solution for the kidnap for ransom cases para may mas matibay na panlaban natin dito sa mga kriminal.”

Ipinagmalaki rin ng AKG ang patuloy na pagbaba ng kaso ng kidnapping sa bansa.

Mula sa 52 kaso noong 2013 ay bumaba ito sa 50 noong 2014 at nasa 37 na lamang ito ngayong 2015. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Chinese kidnap victim, na-rescue ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa Sorsogon appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481