Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOH Sec. Garin, umaasang makapapasa sa taong 2017 ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng anumang uri ng paputok

$
0
0
Department of Health Secretary Janet Garin

Department of Health Secretary Janet Garin

MANILA, Philippines — Isa ang Department of Health sa pangunahing nagpahayag ng suporta para sa pagbabalangkas ng batas na tuluyang magbabawal sa paggamit ng anumang uri ng paputok tuwing nagpapalit ang taon.

Ito ay bunsod na rin sa mga naitatalang nabibiktima ng mga paputok na nagreresulta ng matinding pinsala sa katawan at minsan ay pagkasawi ng mga inosenteng biktima dahil sa kawalan ng pag-iingat ng mga gumagamit ng mga illegal na paputok.

Umaasa si DOH Secretary Janette Garin na sa taong 2017 maipapasa na ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng anumang uri ng paputok.

“We already did, patuloy po namin itong isinusulong, subalit di pa rin napapasa hanggang ngayon.”

Dagdag pa ni Sec. Garin, “Sana sa 2017 banned na talaga ang firecrackers, wala naman pong mawawalan ng hanap buhay kasi patuloy pa rin naman ang public fireworks display, ang importante walang buhay na nasasawi.”

Ayon naman kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., nasa kongreso na ang pagsasabatas ng mga panukalang tungkol dito at ipapatupad na lamang ng ehekutibo ang anumang naipasang batas.

Dagdag pa nito sinabi rin ni Secretary Coloma na ginagawa ng pamahalaan ang nararapat upang himukin ang mga mamamayan na gawing ligtas ang pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Taong 1992 nang maisabatas ang Republic Act No. 7183, ang batas na nagre-regulate para sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng firecrackers at ibang pyrotechnic devices.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa kongreso ang mga panukalang batas para sa mas mahigpit na penalties at limitasyon sa paggamit ng mga paputok. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post DOH Sec. Garin, umaasang makapapasa sa taong 2017 ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng anumang uri ng paputok appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481