Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga isyung legal ukol sa problema sa plaka at driver’s license, prayoridad ng bagong LTO chief

$
0
0
Ang bagong LTO Chief Atty. Roberto P. Cabrera III (UNTV News)

Ang bagong LTO Chief Atty. Roberto P. Cabrera III (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Opisyal ng nagsimula sa kanyang bagong trabaho bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) si dating Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Roberto Cabrera nitong Lunes, Enero 04, 2016.

Malaking hamon na kinakaharap ni Cabrera kung paano masosolusyunan ang napakaraming problema ng LTO sa ngayon.

Ayon kay Cabrera, wala siyang anumang programa na ipatutupad kundi aayusin lamang niya ang mga nakabinbing mga proyekto ng LTO.

“Tinitignan natin ang mga legal remedies and gusto ko makita kung ano pa ang pwedeng gawin aside from those already filed [and] how I could actually cooperate on those agencies or if I need to explain that, gagawin po natin yun,” anang bagong LTO chief.

Sa ngayon ay pansamantalang itinigil ng LTO ang paniningil ng bayad sa mga bago at renewal ng plaka dahil sa inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit (COA).

Sa ngayon, virtual plate o mga papel lamang ang inisyu ng LTO dahil naka-hold lahat ang plaka sa pier at hinihintay pa ang order ng COA kung ano gagawin sa mga ito.

Pinangangambahan ding magkaroon ng malaking kakulangan sa issuance ng driver’s license card dahil sa injunction na inilabas ng Manila Regional Trial Court.

Pahayag ni LTO Spokesman Jason Salvador, “Medyo nanganganib na naman po tumirik ang supply ng license cards despite the facts na naka-injunction din po ang license project eh patuloy tayo nakikiusap sa supplier upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng card.”

Karamihan ng mga kumukuha ngayon ng lisensya sa LTO ay kapirasong papel muna ang matatanggap dahil walang available na mga card.

Malaking abala naman ito sa mga driver dahil may katagalan ang proseso sa pagre-renew ng lisensya.

Gaya ni Mang Julito na galing pa ng Cagayan Valley, na gumagastos ng pamasahe upang ma-renew ang kanyang lisensya.

Kwento ni Mang Julito, “Pamasahe ko pa lang galing probinsya papuntang Maynila P500, eh balikan eh di P1,000 na. Yung gastos ko pa mula sa bahay papuntang LTO, P40.”

Ayon kay Cabrera, gagawin niya ang lahat ng magagawa upang masolusyunan ang mga problema sa LTO, mag-rereport rin siya sa publiko hinggil sa mga developments sa ahensya.

Tumutol naman ang grupong BAYAN MUNA sa pagtatalaga ng bagong hepe sa LTO.

Ayon kay Representative Neri Colmenares, hindi sagot sa problema ang paglalagay ng bagong LTO Chief dahil ang kailangan ay magkaroon ng masusing imbestigasyon sa umano’y mga anomalya at korapsyon sa LTO.

Halos anim na buwan na lamang ang natitira sa karamihang mga opisyal na itinalaga ng administrasyong Aquino sa posisyon.

Ang tanong ng karamihan ay sapat pa ba ang ilang buwang natitira upang solusyunan ang nakaparaming problema? (MON JOCSON / UNTV News)

The post Mga isyung legal ukol sa problema sa plaka at driver’s license, prayoridad ng bagong LTO chief appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481