Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Implementasyon ng Mega Manila Dream Plan, solusyon sa problema sa trapiko ayon sa Malacañang

$
0
0
FILE PHOTO: Larawang kuha mula overpass sa may Mega Q-Mart. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Larawang kuha mula overpass sa may Mega Q-Mart. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang problema sa trapiko sa Metro Manila sa nalalabing mga buwan ng administrasyong Aquino.

Reaksyon ito ng Malakanyang sa pahayag ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham-Philippines) kaugnay ng pag-aalala sa lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa senior advisor ng AmCham na si John Forbes, posibleng sa susunod na apat na taon ay magiging “uninhabitable” o hindi na matitirahan ang kalakhang Maynila kung hindi agad mahahanapan ng solusyon ang lumalalang problema sa trapiko.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, determinado ang pamahalaan na gawin ang nararapat upang matugunan ang pangangailangan ng taumbayan na nakatira at naghahanapbuhay sa NCR at kalapit na rehiyon.

Dagdag ng Malakanyang, inaprubahan na rin ng NEDA board noong June 2014, at ipinatutupad na ang ilang prinsipyo ng tinatawag na Mega Manila Dream Plan o Roadmap for Infrastructure Development for Metro Manila and its surrounding areas.

Sa kasalukuyan ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tanging maaasahan muna ngayon para sa solusyon sa problema sa trapiko ay ang mga ginagawang alternative o connector roads.

Ani DPWH-NCR Director Melvin Navarro, “Nandyan na naman ginagawa na yung Skyway at NLEX connector, yan yung our earliest na pag-asa na ease down yung EDSA. Eh kung magkaroon na ng direct connection na ng NLEX at SLEX para hindi na sila dadaan ng EDSA. Kasi right now, EDSA is the shortest lane.”

Napapaloob sa roadmap ang mga layunin batay sa rekomendasyon ng Japan International Cooperation Agency o JICA, ang paglutas sa traffic congestion, ang pag-aalis sa mga pamilyang nakatira sa mga mapanganib na lugar at pagtatanggal sa mga nakahambalang sa mga kalsada na nagiging dahilan ng masikip na trapiko. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Implementasyon ng Mega Manila Dream Plan, solusyon sa problema sa trapiko ayon sa Malacañang appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481