MANILA, Philippines — Nakakumpiska na ang Philippine National Police ng 13 baril sa checkpoint na isinagawa sa buong bansa.
Bukod sa baril, dalawang deadly weapons din ang nakumpiska, siyam na ammunitions at isang firearms replica, 13 na rin ang naaresto; 3 dito ang mula sa Region 4A, dalawa sa Region 13, tatlo sa Region 7, dalawa sa ARMM, dalawa sa Region 10 at isa sa Region 18.
Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, nasa 1661 na checkpoint ang inilatag ng pambansang pulisya at random itong gagawin sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang matapos ang election period sa June 8.
Muling paalala ng PNP, kailangang nasa maliwanag na lugar ang checkpoint, may marked vehicle, may signage kung saan nakasulat ang pangalan at numero ng opisyal at representative ng COMELEC, pinamumunuan ng opisyal, naka uniporme na may name plate at visual search lamang.
Bawal na bawal din na pabuksan ang trunk at halughugin ang loob ng sasakyan at maging ang pababain ang driver.
Kayat payo ng tagapagsalita ng PNP, kung may nakikitang paglabag sa mga checkpoint officer ay kunan ito ng video o pictures at isumbong sa Camp Crame. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post PNP, nakakumpiska ng 13 baril sa 2 araw na paglalagay ng COMELEC checkpoint appeared first on UNTV News.