Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kilalang personalidad, dumagsa sa burol ni Kuya Germs

$
0
0
Nakatakdang ilibing ang namayapang haligi ng industriya ng showbiz na si Kuya Germs sa Huwebes, January 14 sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. (Wylla Soriano)

Nakatakdang ilibing ang namayapang haligi ng industriya ng showbiz na si Kuya Germs sa Huwebes, January 14 sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. (Wylla Soriano)

QUEZON CITY, Philippines — Nagmistulang pagtitipon ng iba’t-ibang kilalang personlidad sa showbiz at politika tulad nila Gov. Vilma Santos, Sen. Bongbong Marcos, Roderick Paulate at JC de Vera ang Mt. Carmel Church sa New Manila kung saan nakahimlay ang mga labi ng premyadong TV host at aktor na si German Moreno.

Pumanaw sa edad na 82 ang actor noong ika-walo ng Enero pasado alas tres ng umaga sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City dahil sa cardiac arrest.

Ayon sa anak nito na si Federico Moreno, mapayapa ang naging pamamaalam ng aktor sa kanyang pamilya na naroon ng mga huling sandali nito.

Isang inspirasyon ang istorya ng buhay ni Kuya Germs.

Nagsimula siya bilang janitor at telonero ng Clover Theater noong 1957.

Nabigyan ng break ng makuha ang lead role sa isang palabas sa Manila Grand Opera House mula rito ay nagsimula ang kanyang mahabang karera sa langaran ng entertaintment bilang isang batikang aktor, host at talent manager.

Nakilala si Kuya Germs bilang “The Master Showman”, sumikat noong dekada otsenta sa palabas na “That’s Entertainment” kung saan tinagurian siyang star builder.

Kasama rin siya sa pagtatag ng mga programa at organisasyon para sa mga artista.

Para sa maraming Pilipino si Kuya Germs ay nagdadala ng kasayahan sa kanilang mga sambahayan ngunit para sa kanyang mga kasama sa industrisya isa siyang magulang na nagtiyaga at nagsumikap upang makitang umasenso ang mga artista na tunuturing niyang mga anak.

Ayon kay Gov. Vilma Santos, isa sa mga matagal nang nakasama sa industriya ni Kuya Germs, walang sinoman ang makakapantay sa naiambag ni Kuya Germs.

Pahayag ni Gov. Santos, “Malaking kawalan sa industriya. Aminin natin o hindi, ang pinakamaraming mga artista ngayon napakalaki ang utang na loob ngayon kay Kuya Germs. The training, professionalism… mga sikat, nanggaling lahat kay Kuya Germs, ang daming dapat ipagpasalamat kay Kuya Germs. So, hindi siya madaling makalimutan at palagay ko institusyon na siya mahirap makahanap ng isa pang Kuya Germs.”

Nakatakdang ilibing ang namayapang aktor sa Huwebes, January 14 sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Nakiusap naman ang pamilya nito na ipaubaya na lang muna ang araw na ito sa kanila, sa mga kamag-anak at sa mga pinakamalalapit na kaibigan ng aktor sa industriya. (WYLLA SORIANO / UNTV News)

The post Mga kilalang personalidad, dumagsa sa burol ni Kuya Germs appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481