Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas, naghain ng bagong protesta laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea

$
0
0
FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose (UNTV News)

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naghain nitong January 8 ng bagong protesta ang Pilipinas laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong protesta ay kaugnay sa isinagawang test flight ng China sa Katingan Reef o Fiery Cross Reef kamakailan.

Pahayag ni DFA Assistant Secretary Charles Jose, “Ang sinasabi natin na itong aksyong ito ng China ay labag sa kasunduan sa pagitan ng ASEAN at China under dito sa 2002 declaration of the conduct of parties in the South China Sea. At nagpapataas ito at nagpapalala sa tension sa ating region.”

Ayon sa DFA tulad ng dati, binalewala lamang ng China ang protesta at sinabing kasama sa mga karapatan nito na gumawa ng iba’t-ibang aktibidad sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni dating defense secretary at kasakuyang kongresista Rodolfo Biazon na kahit na balewalain ng China ang protesta.

Makakatulong pa rin ito upang lalong mapansin ng buong mundo ang iligal na ginagawa sa West Philippine Sea.

Samantala, ipinahayag naman ng isang maritime law expert ang maaring maging senaryo sa West Philippine Sea kaugnay ng paglagda sa Enhance Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Pahayag ni Prof. Jay Batongbacal, “Before the various activities that we’re planning with the Americans before that comes into full operation, the Chinese may decide to speed up what they are doing, so that those future operations (between Philippines and United States) will no longer impede any current objectives that they have for that area.”

Ayon naman kay Biazon, bagama’t makatutulong ang EDCA sa military capabilities ng Pilipinas, tanging ang United Nations lamang ang may kakayahan na pigilan ang mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ang Muntinlupa City representative, “Ang pwedeng itapat lang dyan ay ang kilos ng United Nations. Ang ibig sabihin kailangan magkaisa ang lahat ng bansa upang ang ganitong klaseng panganib ay mapigilan.”

Samantala, umaasa pa rin ang DFA na ititigil na ng China ang mga unilateral action nito sa West Philippine Sea na naglalagay sa kapayapaan at siguridad ng Pilipinas sa peligro. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)

The post Pilipinas, naghain ng bagong protesta laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481