MANILA, Philippines — Hiniling ng Commission on Elections (COMELEC) na masertipikahang urgent ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kung mangyayari ito, maaari nang makapaglabas ng resolusyon ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso bago ang halalan.
Una nang sinabi ni Brillantes na mas mabuting ganapin na lamang sa 2016 ang SK elections at huwag nang isabay sa barangay elections upang makatipid ang poll body.
Pabor din si Brillantes sa panukalang i-abolish o tanggalin ang SK. (UNTV News)