Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbasa ng sakdal kay Janet Lim Napoles, ipinagpaliban sa September 23

$
0
0
Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles  (Philippine National Police)

Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles (Philippine National Police)

MANILA, Philippines — Dininig ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda ang petisyong ipagpaliban ang arraignment kay Janet Lim Napoles na naunang itinakda sa September 9, 2013.

Ayon kay Judge Alameda, kailangang mapag-aralan at mabigyan ng sapat na panahon ang tatlong mosyon kabilang ang motion to suspend proceedings ni Reynald Lim, urgent motion for bill in particulars, at motion to defer arraignment ni Janet Lim Napoles.

Ayon kay Judge Elmo Alameda, sa susunod na linggo pa nila ilalabas ang resolusyon sa tatlong mosyon na inihain ng magkapatid na Reynald Lim at Janet Napoles.

Dagdag pa nito, gagawin sa kanyang sala ang pagbasa ng sakdal hangga’t wala silang natatanggap na kautusan mula sa Korte Suprema na gawin ang arraignment sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Nagpasalamat naman si Atty. Kapunan Kay Judge Elmo Alameda dahil pinagbigyan nito ang kanilang kahilingan na mailipat ang araw ng arraignment.

Paliwanag ni Atty. Kapunan, wala namang rason upang madaliin ang pagbasa ng sakdal dahil hindi naman tatakas ang kanyang kliyente.

Bukod dito ay naghihintay sila hanggang ngayon sa desisyon ng Court of Appeals (CA) hinggil sa inihain nilang petition of certiorari upang muling mapagaralan ang merits ng kasong illegal detention laban sa magkapatid na Reynald Lim at Janet Lim Napoles.

Samantala, pinagaaralan rin ngayon ng kampo ni Napoles na makapaghain ng isang mosyon upang tanggalin na ang CCTV cameras na nakakabit sa kulungan nito sa Fort Sto. Domingo dahil nalalabag umano nito ang rights of privacy ng kanilang kliyente. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481