QUEZON CITY, Philippines — Nakahandusay pa sa gitna ng kalsada at hindi makatayo ang naaksidenteng motorcycle rider ng datnan ng UNTV News and Rescue Team sa south bound ng EDSA corner West Avenue sa Quezon City nitong alas-6 ng umaga ng Huwebes.
Agad ini-assess ng rescue team ang kalagayan ng biktia na kinilalang si Virgilio Tenorio, 42 years old at residente ng Phase 4, Lupa Letre Guzon Complex sa Malabaon.
Matapos bigyan ng first aid ay agad itong inilagay sa backboard at saka inihatid sa Quezon City General Hospital.
Ayon sa biktima papasok na sana siya ng trabaho bilang security guard nang madulas ang sinasakyan nyang motorsiklo dahil sa basa ang kasada, sinubukan nyang magpreno ngunit lalong sumadsad ang kaniyang motorsiklo, tumama ang kaniyang likod sa kalasada kaya niya iniinda ang sobrang sakit nito.
Samantala, isa pang naaksidente sa motorsiklo ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team.
Sugatan ang rider na si Angel Rivero 52-anyos, matapos mabangga ng taxi ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills sa Quezon City alas-kuwatro naman ng madaling araw.
Nagtamo si Rivero ng hiwa sa kanyang kanang binti na nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team.
Ayon sa taxi driver na si Gilbert Bissan, hindi niya napansin ang naka-motorsiklo sa kanyang harapan dahil nakatingin siya sa kasabay na sasakyan.
Sa inisyal na impormasyon ng barangay official ng Batasan Hills, inaayos ng biktima ang U-box nito sa gitna ng kalsada nang biglang nabangga ng taxi.
Matapos bigyan ng first aid ang biktima ay tumanggi na itong magpadala sa hospital.
At sa Bacolod, nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News & Rescue Team ang sugat sa tiyan, mga gasgas sa kanang binti at bukol sa ulo na tinamo ni Analyn Villanueva matapos magbanggaan ang sinasakyan nitong owner-type jeep at isang taxi, sa panulukan ng Lacson at Rizal street sa Bacolod City, mag-aalas dos ng nitong madaling araw.
Ayon sa nakakita ng insedente, tumilapon palabas ang biktima mula sa owner type jeep at bumagsak sa kalsada kung saan may nagkalat na mga bubog mula sa nabasag na head light ng nakabanggang taxi.
Paliwanag ng driver na kasama ni Villanueva, masyadong mabilis ang takbo ng taxi kaya sila nabangga nito.
Ayon naman ng taxi driver, hindi nito agad napansin ang owner type jeep nang bigla itong lumiko papasok sa Rizal Street kaya sila nagkabanggaan.
Matapos mabigyan ng first aid ay isinugod ng UNTV News and Rescue ang biktima sa Corazon Locsin Regional Hospital. (BERNARD DADIS / UNTV News)
The post Magkahiwalay na aksidente sa Quezon City at Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.