Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Occidental Mindoro mayor, pinatatanggal sa pwesto ng Ombudsman

$
0
0
Mga pinatatanggal ng  Office of the Ombudsman sa pwesto matapos mapatunayang guilty ng grave misconduct at dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Mga pinatatanggal ng Office of the Ombudsman sa pwesto matapos mapatunayang guilty ng grave misconduct at dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service.

QUEZON CITY, Philippines — Ipinag-utos ng Ombudsman na tanggalin sa pwesto si Occidental Mindoro Mayor Jose Villarosa.

Kaugnay ito ng maling paggamit ng pera mula sa Tobacco Trust Fund ng San Jose, Occidental Mindoro noong 2010.

Bukod kay Villarosa, pinatanggal din sa pwesto sina Municipal Accountant Pablo Alvaro at Municipal Treasurer Carlito Cajayon.

Sila ay napatunayang guilty ng grave misconduct at dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Bukod sa pag-alis sa pwesto, hindi na rin sila maaring magtrabaho pa sa pamahalaan, mawawala na rin ang kanilang eligibility at walang matatanggap na retirement benefits.

Ginamit umano ni Villarosa noong 2010 ang pondo na pambili ng sampung multicab, christmas lights, pagkain para sa mga bagong halal na barangay officials, mga gamot, gravel at buhangin bus at iba pang rental vehicles – na sa kabuuan ay nagkakahalaga P2.9 million.

Paliwanag ng Ombudsman, ang naturang budget ay dapat ginamit lamang para sa mga cooperative livelihood o kaya’y sa mga agro-industrial projects na makatutulong para mas mapaganda ang kalidad ng mga agricultural products.

Dahil din aniya sa pag-divert ng pera, nawalan ng benepisyo mula sa naturang trust fund ang mga magsasaka.

Inatasan na ng Ombudsman ang Department of Interior and Local Government na kaagad na ipatupad ang kautusan. (DARLENE BASINGAN / UNTV News)

The post Occidental Mindoro mayor, pinatatanggal sa pwesto ng Ombudsman appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481