Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

SAF44, nakaukit na sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa

$
0
0
Bahagi ng Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa Camp Crame kung saan nakatala ang mga pangalan ng mga pulis na namatay sa pagtupad ng tungkulin.

Bahagi ng Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa Camp Crame kung saan nakatala ang mga pangalan ng mga pulis na namatay sa pagtupad ng tungkulin.

QUEZON CITY, Philippines — Naka-ukit na ang mga pangalan ng SAF44 sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa sa loob ng Kampo Crame.

Sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa inilalagay ang mga pulis na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Ayon kay PNP-PIO P/CSupt. Wilben Mayor, sa pamamagitan nito hindi na makalilimutan ang ginawang sakripisyo ng SAF44.

“Inilalagay natin ang kani-kanilang pangalan para sa mahabang panahon ay makikita at nababasa ng mga kabataan at sino man na gusto makita at magunita ang kabayanihan ng ating mga kapulisan,” ani P/CSupt. Mayor.

Samantala, tiniyak ng PNP na naibigay na lahat ang mga benepisyong nararapat sa pamilya ng SAF44 at maging ang donasyon mula sa iba’t-ibang sektor.

Umabot sa tig-2 milyong piso ang natanggap na donasyon at benipisyo ng mga naulilang pamilya.

Mahigit 69.5 million pesos ang nalikom para sa pamilya ng SAF44, nakapaloob rito ang benepisyo at pension mula sa Malakanyang, PNP at NAPOLCOM, kabilang rin dito ang mula sa iba’t-ibang sektor kasama na ang anim na milyong pisong ibinigay ng UNTV.

Pahayag ni Moral and Welfare Division-DPRM Chief P/SSupt. Manny Abu, “As far as the PNP organization is concerned, all of the legal assistance entitled para dito sa member ng SAF44 were already given.”

Bukod pa diyan ang educational assistance kung saan 44 ang nabigyan ng scholarship grant.

Habang umabot naman sa 56 na kaanak ng SAF44 ang nabigyan nang pabahay.

Dagdag pa ni P/SSupt. Abu, “There are 56 of them. So, even hindi asawa, hindi magulang, kundi relatives lang ang umattend and because they were there ay nakapag-avail na rin ng housing benefit.”

Na-accomodate na rin aniya ang hiling ng ilan sa kapamilya tulad ng asawa ng SAF44 na makapagtrabaho sa PNP.

Gayunman, panawagan ng PNP sa pamilya ng SAF, lumapit sa tanggapan ng Directorate for Personnel and Record Management (DPRM) sakaling may tanong ang mga ito hinggil sa kanilang natanggap na mga benepisyo.

Sa Lunes, January 25, ayon sa pinuno ng Pambansang Pulisya, magkakaroon ng aktibidad dito sa Camp Crame bilang paggunita sa kabayanihan ng SAF44 at maging ang awarding kung saan imbitado ang pamilya ng mga ito. (LEA YLAGAN / UNTV News)

The post SAF44, nakaukit na sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481