Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Army Chief Lt. Gen. Año, itinanging may official relationship kay Lt. Col. Marcelino

$
0
0
Lt. Col. Ferdinand Marcelino

Lt. Col. Ferdinand Marcelino

QUEZON CITY, Philippines — Ipinahayag ni Philippine Army Chief Lieutenant General Eduardo Año na wala na silang official relationship ngayon ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Ayon kay Lt. Gen. Año, nagkasama sila ni Lt. Col. Marcelino mula 2013 hanggang mid-year ng 2014 nang siya pa ang hepe ng intelligence service ng Armed Forces of the Philippines at field commander naman si Marcelino sa Laguna.

Sinabi ng heneral, epektibo sa kaniyang tungkulin noon si Marcelino at malaki ang naitulong sa pagdakip ng mga malalaking target.

Dagdag pa ni Año, personal na adbokasiya ni Marcelino na labanan ang ilegal na droga at mga sindikato.

Kaya kahit wala na ito sa ISAFP, patuloy pa ring itong kumakalap ng intelligence report kaugnay ng drug syndicates at iba pang criminal group at shine-share sa ISAFP at Philippine Army.

Dagdag pa ni Año, ang maitutulong niya kay Marcelino ay ang kanyang testimonya sa DOJ at NBI na nakapagbibigay nga si Marcelino ng intelligence reports kaugnay ng illegal drugs at syndicates sa ISAFP. (ROSALIE COZ / UNTV News)

The post Army Chief Lt. Gen. Año, itinanging may official relationship kay Lt. Col. Marcelino appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481