Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y recorded audio ukol sa Mamasapano incident, handang tanggapin ni Sen. Poe sa komite

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Grace Poe

FILE PHOTO: Senator Grace Poe

PASAY CITY, Philippines — Nakahandang tanggapin ng chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na si Senador Grace Poe ang sinasabing hawak na ebidensya na audio recording si retired police general Giosdado Valeros ukol sa Mamasapano incident.

Inihayag ni Valeroso na may mambabatas at opisyal ng pamahalaan na magkausap sa nasabing audio recording.

Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon kung ang tinutukoy ni General Valeroso ay sina Peace Process Secretary Terisita Deles at Senator Bongbong Marcos na naging isyu noong nakalipas na taon ay di na ito bago.

Dagdag pa ni Drilon dapat malaman ng lahat na may umiiral na Anti-Wiretapping Law (Republic Act No. 4200).

Dito isinasaad na labag sa batas ang hindi awtorisadong pagrerecord at hindi maaring tanggapin bilang ebidensya sa korte.

Nilinaw naman ni Drilon na wala syang layon na sikilin ang sinoman ukol sa nasabing audio recording issue at ipinauubaya na niya sa komite ang desisyon. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

The post Umano’y recorded audio ukol sa Mamasapano incident, handang tanggapin ni Sen. Poe sa komite appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481