BULACAN, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang motorcycle rider na nabangga ng pampaseherong tricycle sa Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan noong Biyernes ng gabi.
Napinsala ang kanang tuhod at gasgas rin ang kanang braso ng motorcycle rider na si Elissa Casquejo, kwarenta’y singko anyos, ng Barangay Turo, Bocaue, Bulacan.
Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga tinamong sugat ni Elissa at saka inihatid sa Bulacan Medical Center.
Sumama naman ang trycicle driver na kinilalang si Romy Lumanggaya sa paghahatid sa hospital.
Kwento ng saksi na si Josepine Ranioco, nawalan ng kontrol sa manibela ang tricycle driver, kaya nabangga nito ang motorsiklo na minamaneho ni Elissa.
“Yung tricycle naka-signal siya ng kanan. Ngayon, ang ginawa noong nakaputing motor, kumaliwa. Nung kumaliwa siya, kumaliwa rin yung tricycle, kaya tinamaan niya yung gilid ng tricycle,” ani Ranioco.
Nangako naman si Romy na sasagutin ang pagapapagamot sa biktima. (NESTOR TORRES / UNTV News)
The post Motorcycle rider na nabangga ng tricycle sa Balagtas, Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.