QUEZON CITY, Philippines — Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division na tumestigo na si ex-Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa kasong graft ni dating Mayor Elenita Binay.
Sa naging resolusyon ng korte, nakasaad na binabaligtad na nito ang naunang desisyon na hindi nagpapahintulot kay Mercado.
Batay sa inihaing motion for reconsideration ng prosekusyon, importante ang testimonya ni Mercado dahil hawak niya ang orihinal na kopya ng Commission On Audit report.
Nasimulan na ang trial sa kasong ito ni Elenita Binay ngunit pansamantala munang sinuspindi dahil sa posibilidad na maisama ito sa mga ilalagay na kaso sa dalawang bagong divisions ng Sandiganbayan. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)
The post Ex-Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, pinayagan ng Sandiganbayan na tumestigo sa kasong graft ni dating Mayor Elenita Binay appeared first on UNTV News.