Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Japan Emperor Akihito, dumating na sa bansa

$
0
0
Ang pagdating ng head of state ng Japan na sina Emperor Akihito at Empress Michiko sa bansa nitong Martes, Enero 26, 2016. Sila ay sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III. (Malacanang Photo Bureau)

Ang pagdating ng head of state ng Japan na sina Emperor Akihito at Empress Michiko sa bansa nitong Martes, Enero 26, 2016. Sila ay sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III. (Malacanang Photo Bureau)


MANILA, Philippines —
Pasado alas-2:30 ng hapon nitong Martes nang dumating sa bansa sina Japan Emperor Akihito at Empress Michiko para sa kanilang 5-day official visit.

Sinalubong ang mga ito ni Pangulong Benigno Aquino III kasama sina Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin, Department of Transportation and Communication Sec. Emilio Abaya at iba pang miyembro ng gabinete.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas ang Japan head of state, bilang emperor at empress.

Unang bumisita sa Pilipinas sina Akihiko at Michiko noong 1962, kung saan prinsipe at prinsesa pa lamang sila noon ng Japan.

Ang kanilang pagbisita sa bansa ay kaalinsabay ng ika-60 anibersaryo ng muling pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan matapos ang World War II.

Tatlong araw na mananatili sa bansa ang Japan emperor at empress para sa kanilang iba’t-ibang activities, kabilang na ang pakikipagpulong sa Japan overseas cooperation volunteers at Japanese residents dito sa bansa.

Ngayong Miyerkules naman ay nakatakdang dumalo ang mga ito sa welcoming ceremony sa Malacañang at makikipagpulong kay Pangulong Aquino, na inaasahang tatalakayin ang tungkol sa lalo pang pagtatatag ng relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, isang state banquet o isang formal dinner rin ang inihanda ng Palasyo para sa Japanese emperor at empress.

Bibisita rin ang mga ito sa Rizal Monument, Libingan ng mga Bayani at Japanese Memorial Garden na pawang mga World War II memorial sites para sa isang wreath-laying ceremony.

Bukod pa rito bibisitahin rin ng emperor at empress ang TESDA Language Center at ang International Rice Research Institute o IRRI sa Laguna.

Pansamantalang isinara ang dalawang runway sa Ninoy Aquino International Airport para sa mga commercial flights at nagpatupad ng ‘No Fly Zone’, upang matiyak ang seguridad sa pagdating ng head of state.

Nakatakda namang umalis ang mga ito sa bansa sa Sabado, January 30 kung saan muling ipatutupad ang temporary shutdown sa dalawang runway sa NAIA simula alas onse ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sang-ayon sa order na inilibas ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP. (JOAN NANO / UNTV News)

The post Japan Emperor Akihito, dumating na sa bansa appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481