Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malakanyang, naninindigang walang mali sa hakbang ni Pangulong Aquino sa usapin ng operasyon sa Mamasapano

$
0
0
FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III sa isang press conference noong September 17, 2015. (Malacañang Photo Bureau)

FILE PHOTO: Si Pangulong Benigno Aquino III sa isang press conference noong September 17, 2015. (Malacañang Photo Bureau)


MANILA, Philippines —
Naninindigan ang Malakanyang na walang mali sa mga hakbang ni Pangulong Aquino sa usapin ng operasyon sa Mamasapano.

Ito ang naging reaksyon ng Malakanyang sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado ukol sa naging operasyon sa Mamasapano noong January 25 nang nakaraang taon na nagresulta ng pagkasawi ng SAF44 at sa naging pahayag ni Senator Juan Ponce Enrile na pinagtatakpan ng Pangulong Aquino ang kaniyang sarili sa responsibilidad sa misyon sa Mamasapano.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma, hinarap ni Pangulong Aquino ang lahat ng mga bagay patungkol sa insidente sa Mamasapano. Umaksyon rin ng tama ang Pangulo ukol sa bagay na ito.

“President Aquino had always acted responsibly and faced squarely all matters pertaining to the Mamasapano incident,” ani PCOO Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)

The post Malakanyang, naninindigang walang mali sa hakbang ni Pangulong Aquino sa usapin ng operasyon sa Mamasapano appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481