QUEZON CITY, Philippines — Todo ensayo na ang NHA Builders para sa nalalapit na quarter finals ng UNTV Cup Season 4 kontra BFP Ftrefighters sa darating na Linggo alas tres ng hapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Hawak ngayon ng NHA ang twice-to-beat advantage kontra BFP matapos makuha ang number 4 slot sa team standings.
Kung mananalo ang NHA Builders, haharapin nila sa semi-final round ang number 1 team na AFP Cavaliers na may twice-to-beat advantage naman para sa semi-final round.
Kung mananalo naman ang Firefighters sa NHA sa darating na Linggo, muli silang maghaharap sa February 7 para sa deciding game kung sino ang makakapasok para sa semi-final round.
Ayon kay NHA Coach Silverio Antonio Palad III, pinaghahandaan nila ng husto ang bigmen ng Firefighters.
“Ang iniisip ko kasi dahil malalaki sila, pupwersahin kami sa ilalim. Kaya medyo naghahandana rin kami sa medyo double teaming na kailangan namin para sa malalaki nila.”
Ito unang pagkakataon na nakapasok ang NHA Builders sa quarter finals sa ikalawang taon ng paglahok nila sa liga ng mga public servant.
Ani Coach Bennett Palad, “Masayang masaya kaming lahat. We are thankful sa support ng management, ng family namin; especially, our Lord Jesus Christ, na for the first time, nakapasok kami sa UNTV Cup. And hopefully, paghahandaan at gagalingan pa namin para umabot kami sa finals.”
Huling nagharap ang NHA Builders at BFP Firefighters noong nakaraang January 18 kung saan tinalo ng Builders ang Firefighters sa score na 81-74. (BERNARD DADIS / UNTV News)
The post NHA Builders, todo-ensayo na para sa quarter finals game vs BFP Firefighters appeared first on UNTV News.