Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglilitis kay dating Palawan Gov. Joel Reyes, kaugnay ng pagpaslang kay Doc Gerry Ortega, ipinatutuloy na ng Korte Suprema

$
0
0
FILE PHOTO: Supreme Court logo and statue of Lady Justice

FILE PHOTO: Supreme Court logo and statue of Lady Justice


MANILA, Philippines —
Inatasan na ng Korte Suprema ang Palawan Regional Trial Court Branch 52 na ituloy ang paglilitis sa kasong murder ni dating Palawan Governor Mario Joel Reyes dahil sa umano’y pagpaslang sa broadcaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.

Sa unanimous na desisyon ng Supreme Court Second Division na sinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng korte na naging moot na o wala nang saysay ang pagkwestyon ni Reyes sa resulta ng preliminary investigation ng Department of Justice dahil ang RTC na rin mismo ang nagsabi na may probable cause upang litisin siya sa kaso.

Patunay nito ang inilabas na warrant of arrest ng korte laban kay Reyes at ang pagsasagawa ng arraignment matapos maaresto ang dating gobernador nitong nakaraang Setyembre.

Binigyang-diin pa ng mataas na hukuman na ang trial court na ang may jurisdiction sa kaso at nararapat nang ituloy ang paglilitis dito.

Si Reyes at ang kanyang kapatid na si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes ang itinuturing na utak sa pagpatay kay Ortega noong January 24, 2011.

Kasalukuyang nakapiit ang magkapatid na Reyes sa Puerto Princesa City Jail. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Paglilitis kay dating Palawan Gov. Joel Reyes, kaugnay ng pagpaslang kay Doc Gerry Ortega, ipinatutuloy na ng Korte Suprema appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481