MANILA, Philippines — Tinututukan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung ano ang magiging epekto sa mga nagtatrabaho sa Gitnang Silangan ng patuloy na pagbaba ng halaga ng langis.
Batay sa pahayag ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, wala pa silang nakikitang senyales na magkakaroon retrenchment o pagbabawas ng mga trabahador o empleyado na maaring maka-apaketo sa mga OFW sa Saudi Arabia at mga kalapit na bansang nagpo-produce ng langis.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, tiwala ang DOLE na walang OFW na maapektuhan ng political issue at downtrend ng oil price sa Middle East.
Sinabi ni Coloma na napatunayan na ito ng ilabas ang Saudization policy noon na hindi naman naapektuhan ang mga OFW dahil kuwalipikado sila sa kani-kanilang mga trabaho.
Paliwanag ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Arsenio Balisacan, bagama’t kapakinabangan ng ibang bansa ang pagbaba ng presyo ng krudo, may malaking epekto naman ito sa ibang economies.
Pahayag ni Philippine Competition Commission Chairperson Arsenio Balisacan, “In general, the sharp decline in oil prices benefit us but one has to also worry about whether it will bring down many economies that are so dependent on oil revenues. Some of the major oil exporters are now suffering badly. And the fiscal deficit of these countries are putting them into economic difficulties.”
Nasa mahigit sa dalawa at kalahating milyong manggagawang Pilipino ang nagtatrabaho sa buong Gitnang Silangan at nasa isang milyong Pilipino naman ang nasa Saudi Arabia. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post Malacañang, naniniwalang hindi gaanong maapektuhan ang mga OFW kung magtatanggalan ng trabaho sa Middle east dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo appeared first on UNTV News.