QUEZON CITY, Philippines — Hayagan ang pagsuporta ng ilang kaklase at ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines kay Lt.Col. Ferdinand Marcelino matapos na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Anti-llegal Drugs Groups (PNP-AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa shabu lab sa Sta. Cruz, Manila noong January 21.
Suportado naman ni PNP Chief PDG Ricardo Marquez ang mga tauhan ng PNP-AIDG na humuli kay Marcelino.
Ayon kay Gen. Marquez, ginawa lamang ng mga ito ang kanilang trabaho hinggil sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.
“For the longest time AIDSOTF (Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force) before and now AIDG has been very very transparent in its demeanor as one of the performing anti-drug unit in the country,” ani PDG Marquez.
Sinabi pa nito na hindi matatawaran ang kredibilidad ng mga tauhan ng AIDG at subok na ito sa paghuli ng mga bigtime drug lord.
Dagdag pa ng heneral na tiwala siya sa AIDG dahil suportado naman ng mga ebidensya ang reklamong isinampa ng mga ito laban kay Marcelino lalo na’t nakita ito sa loob ng shabu laboratory.
“Kung ano man ang nangyari that time na nahuli siya ay maliwanag na sumusunod lamang yung mga tauhan namin sa AIDG kung ano ang nakita at narecover nila, wala naman tayong nakitang pagmamalabis sa mga tao sa AIDG, the right of Col. Marcelino has not violated,” anang hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.
Ang kailangan na lamang aniyang gawin ng kampo ni Marcelino ay sagutin ang mga reklamo laban sa kanya at patunayang wala siyang kinalaman sa operasyon ng shabu lab.
Nitong Linggo, sinabi nang nagpakilalang spokesperson ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino na si Ret. Maj. Vonne Villanueva na confidential financial fund para sa special operations ang 13 deposit slip na nakuha sa bag ni Marcelino na nagkakahalaga ng 2.250 million pesos.
“My Mistah, Lt.Col. Ferdinand Marcelino, categorically denies the insinuations by PNP-AIDG that he is profiting from illegal drugs trade. The bank transactions that PNP-AIDG presented were meant to discredit Lt. Col. Marcelino. The bank receipt and AFP passbooks were kept as part of his personal financial records and his confidential operational fund records when he was still with ISAFP. I would not discuss the details in public due to its sensitive nature and the fact that they have not filed another case against him related to these bank deposits. Lt. Col. Marcelino is willing to sign a waiver for Anti-Money Laundering Council (AMLC) for the sake of transparency and in compliance with the law praying that his accusers will do the same,” saad sa text message ni Ret. Maj. Vonne Villanueva.
Itinanggi naman ng pinuno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines o ISAFP na si BGen. Arnold Quiapo na alam niya ang confidential financial fund na binabanggit ng tagapagsalita ni Marcelino.
Dagdag pa ni Chief PNP, ang pagkakahuli kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino at sa Chinese national na si Yan Yi Shou ay isang malaking karangalan sa PNP-AIDG at PDEA dahil pagpapakita ito na walang kinikilingan ang pagpapatupad nila ng batas maging isa mang mataas na opisyal ng AFP. (LEA YLAGAN / UNTV News)
The post AIDG na humuli kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino, suportado ng pamunuan ng PNP appeared first on UNTV News.