MANILA, Philippines — Ipinasya ng COMELEC En Banc na iklian ang oras ng pagboto sa May 09 elections kumpara ng nakaraang halalan noong 2013.
Magsisimula ang botohan sa ganap na alas-siete ng umaga at matatapos ng alas-singko ng hapon.
Mas maikli ito kung ikukumpara noong 2013 elections na inabot ng alas-siete ng gabi.
Ayon sa Commission on Elections, nais nitong mahikayat ang mga botante ng bumoto nang maaga.
Gayunpman, nilinaw ng COMELEC na ang mga taong nasa loob ng 30-meter radius ng presinto ay papayagang makaboto kahit dumating na ang five o’clock cut off.
Pahayag ni Chairman Andres Bautista, “Because we were able to bring down the number of voters for each clustered precinct from 1,000 to 800. And then, siyempre as much as possible gusto nating hikayatin ang ating mga botante na bumoto ng maaga.”
Sabi naman ni Commissioner Christian Robert Lim, “Thirty-minutes before the closing time the BEI [Board of Election Inspectors] chairman or a BEI member will go around announcing that they will be closing in 30-minutes. And those who still haven’t voted they will now list the names of all those remaining. Tapos ang mangyayari pagdating nang 5, yun na yung close na hindi ka na pwede mag-fill-up sa listahan. They will announce the names 3 times. After announcing your names 3 times di ka nag-appear, wala ka na. We go to the next list.” (VICTOR COSARE / UNTV News)
The post Voting hours sa May 9 polls mas maikli kumpara noong 2013 appeared first on UNTV News.