QUEZON CITY, Philippines — Pangunahing suspek ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) o sa naganap na pagsabog sa Tacurong City nitong Martes, alas dos ng hapon.
Pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, “Yung language ng terrorist violence, that is how they communicate with us.”
Tatlo ang nasugatan sa pagsabog sa Jose Abad Santos Street, Barangay Poblacion sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Lumabas sa imbestigasyon na inilagay ang improvised bomb sa bumper ng kotseng nakaparada sa isang bakanteng lote.
Ayon sa ulat, ilang oras pa lamang nakakaalis si Camarines Sur 3rd District Congresswoman Leni Robredo sa Tacurong City ng mangyari ang pagsabog.
Samantala, isang explosive device rin ang natagpuan ng mga awtoridad sa Park Yellow Bell, Tacurong City, alas-dos ng hapon.
Kaagad namang na-defuse ang bomba ng mga tauhan ng Philippine Army. (ROSALIE COZ/UNTV News)
The post BIFF, pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Tacurong City appeared first on UNTV News.