MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Department of Budget and Management ang rekomendasyon para sa salary increase ng mga government employee upang malagdaan ni Pres. Benigno Aquino III.
Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Florencio Butch Abad, sakaling aprubahan kaagad na ipatutupad nila ang first tranche ng salary adjustment na nakasaad sa proposed Salary Standardization Law 4.
Ayon kay Abad, maaaring maipatupad ang compensation adjustment sa bisa ng Presidential Decree number 985 at 2009 Congress Joint Resolution number 4.
Ito ang nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na i-update ang Compensation and Position Classification System ng gobyerno base sa rekomendasyon ng DBM.
Kabuuang 57.9 billion pesos ang inilaan dito na nasa 2016 national budget. (NEL MARIBOJOC / UNTV News)
The post DBM, naghahanda na ng rekomendasyon kay Pres. Aquino upang maipatupad ang salary increase ng mga government employee appeared first on UNTV News.