MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ang trabaho ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagsisimula ng kampanya sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, patuloy ang pagtutok ng Pangulo sa mga mahahalagang programa sa bansa sa natitirang ilang buwan ng kaniyang panunungkulan.
“Patuloy na tutukuyin ng Pangulo ang mga mahahalagang programang pangreporma at pangkaunlaran at hindi natitinag ang kanyang determinasyong mapaglingkuran nang lubos ang sambayanan.”
Posibleng sa Visayas region gagawin ng Liberal Party ang kanilang kick-off kaugnay ng pagsisimula ng kampanya sa February 9 na inaasahan namang dadaluhan ni Pangulong Aquino. (UNTV News)
The post Trabaho ni Pres. Aquino, hindi maaapektuhan sa pagsisimula ng kampanya sa susunod na linggo — Malacañang appeared first on UNTV News.