MAKATI CITY, Philippines — Nakatakdang magtungo bukas, Martes, sa Makati Regional Trial Court si Senador Antonio Trillanes IV.
Ito’y upang magpiyansa kaugnay sa arrest order na inilabas ng korte dahil sa kasong libelo na isinampa ng pamilya Binay.
Si Trillanes ay magmumula sa Los Angeles at inaasahang makababalik ng bansa bukas ng madaling araw.
Una nang sinabi ni Trillanes na nakahanda nyang harapin ang kaso ng pamilya Binay at di matitinag sa pagsisiwalat ng umano’y kurapsyon sa Makati.
(BRYAN DE PAZ / UNTV News)
The post Sen. Trillanes, nakatakdang magpiyansa bukas sa Makati RTC kaugnay sa arrest order dahil sa libel case appeared first on UNTV News.