Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating Ambassador Roy Señeres, pumanaw na

$
0
0
OFW-Family Partylist Rep. Roy Señeres Jr. (UNTV News)

OFW-Family Partylist Rep. Roy Señeres Jr. (UNTV News)

TAGUIG CITY, Philippines — Alas 8:07 ng umaga, Lunes, nang pumanaw si OFW Family Club Party List Rep. Roy Señeres sa edad na 68 dahil sa atake sa puso.

Kinumpira ng kanyang mga kaanak at abogadong si Atty. Candy Rivas ang pagpanaw ng kongresista.

Ayon kay Rivas, matagal nang iniinda ni Señeres ang mga komplikasyon dahil sa kanyang sakit na diabetes.

“Eh, nagulat na lang kami biglang nagkaroon na lang ng cardiac arrest. Last Saturday, we talked, eh and he was getting better na kasi. Kaninang umaga daw, bigla na lang tumawag yung anak niya, na nahirapan siya huminga,” ani Atty. Rivas.

Nagpaabot na nang pakikiramay ang Malakanyang at ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., ginampanan nito ng mabuti ang kayang trabaho bilang taga-pangulo ng National Labor Relations Commission o NLRC at ambassador sa Gitnang Silangan.

“Nakikiramay kami sa kanyang pamilya. Siya ay nagtaguyod sa kapakanan ng mga manggagawa bilang tagapangulo ng NLRC at nang itinalaga siya sa Gitnang Silangan bilang Ambassador.”

Sa pahayag naman ni House Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr., sinabi nito na malaking kawalan sa mga OFW na kaniyang kinakatawan sa House of Representatives ang pagpanaw ng kongresista.

“He is a great loss to our overseas Filipino workers’ (OFW) community having spent most of his life to champion their concerns as well as those of the labor sector. In behalf of my colleagues at the House of Representatives and of my family, I extend my sympathy and prayers to Roy’s loved ones.”

Nitong Biyernes, nag-withdraw si Señeres sa kanyang kandidatura bilang presidente dahil sa kanyang health condition.

Subalit hindi ito tinanggap ng COMELEC dahil kailangan ay personal nitong isumite ang kanyang withdrawal.

Kinumprima naman ni Atty. Jose Malvar Villegas, presidente ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka na mayroon na silang napiling papalit kay Señeres bilang presidential candidate ng kanilang partido.

Subalit ayaw muna nitong inanunsyo kung sino ang magsa-substitute sa yumaong kongresista.

Ani Atty. Jose Malvar Villegas, “I will file a petition for substitution for the late Ambassador Señeres but am not yet more or less ready to announce the name.”

Batay naman sa rules ng COMELEC ang isang pumanaw na kandidato ay maaring mapalitan hanggang mid-day ng araw ng eleksyon.

Ani Commission On Election Chairman Andres Bautista, “In case of death substitution is allowed provided that the substitute will come from the same party and has the same last name.”

Si Señeres ay naging Philippine ambassador to the United Arab Emirates simula 1994 hanggang 1998 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Siya rin ang isa sa mga nakatulong noon upang mabigyan ng pardon ang OFW na si Sarah Balabagan na nahatulan ng kasong murder.

Ang mga labi ni Señeres ay ibuburol sa La Funeraria Paz-Manila Memorial Chapel. (GRACE CASIN / UNTV News)

The post Dating Ambassador Roy Señeres, pumanaw na appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481