Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang insidente sa QC, Pampanga, Subic at Baguio, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isang naaksidente sa Minalin, Pampanga nitong Linggo ng madaling araw. (PAULO RECCION / Photoville International)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue team sa isang naaksidente sa Minalin, Pampanga nitong Linggo ng madaling araw. (PAULO RECCION / Photoville International)


QUEZON CITY, Philippines —
Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos mabiktima ng hit-and-run sa bahagi ng Barangay Greater Fairview, Quirino Highway sa Quezon City alas dos ng madaling araw, Lunes.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Joseph Dacoro na nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team at saka inihatid sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital.

Samantalang ang Quezon City Department of Public Order and Safety Rescue ang tumulong sa kasama nito na si Willie John Pepito.

Tatlong sugatan sa motorcycle accident sa kahabaan ng McArthur Hi-Way sa Barangay Sto. Domingo, Minalin, Pampanga pasado alas dose ng madaling araw ng Linggo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team.

Kaagad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Ang mga tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng mga biktima na sina Richard Vacunawa, Luis Efren Jr. na nakasakay sa motorsiklo at si Edward Sumar na nakasakay naman sa tricycle na kapwa tumanggi ng magpahatid sa hospital.

Magkatuwang na binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Bataan at Zambales Rescue Team ang naksidenteng motorcycle rider na si Redencio dela Cruz sa Brgy.Calapandayan, Subic, Zambales pasado ala una ng madaling araw noong Sabado.

Nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa kanang binti.

Ang BFP Subic, Zambales naman ang naghatid kay Dela Cruz sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City.

Dalawang delegado naman ng sa Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet 2016 ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Baguio City noong Sabado ng alas dos ng hapon.

Idinaraing ni Vince William Tabios ang pamamanhid at pamamaga ng hinlalaki ng kaniyang kanang paa matapos masugatan at magkaroon ng impeksyon.

Nilalagnat naman si Joepet Paleracio at idinaraig ang pananakit ng ulo.

Agad ini-assess at binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang dalawa.

Ang PCSO ambulance na ang naghatid sa kanila sa ospital. (UNTV News)

The post Ilang insidente sa QC, Pampanga, Subic at Baguio, nirespondehan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481