MANILA, Philippines — Hiniling dating MRT General Manager Al Vitancol III sa Sandiganbayan na ipa-subpoena ang ilang dokumento mula sa Metro Rail Transit Corporation na kinakailangan niya para sa depensa sa kanyang kaso.
Nahaharap sa kasong graft at paglabag sa Government Procurement Law si Vitangcol dahil sa umano’y conflict of interest sa maintenance contract ng MRT nang siya pa ang manager noong 2012.
Nais ni Vitangcol na mahawakan bilang ebidensya ang mga sulat ni presidente at chairman ng MRTC na si Tomas De Leon Jr. kay dating DOTC Sec. Mar Roxas at ang pumalit sa kanya na si Sec. Jun Abaya mula July 2012 hanggang October 2013.
Aniya, dahil isa na siyang pribadong indibidwal, mahihirapan siyang makakuha ng mga kopya ng mga nasabing dokumento kung hindi ito ipapa-subpoena ng korte.
Samantala, binabawi na ni Vitangcol sa Sandiganbayan ang hiling na mabigyan ng abogado mula sa Public Attorney’s Office o PAO dahil may pumayag ng private lawyer na i-represent siya sa korte. (JOYCE BALANCIO / UNTV News)
The post Ilang dokumento ng MRTC, hiniling ni dating MRT GM Al Vitancol III na i-subpoena ng Sandiganbayan appeared first on UNTV News.