PASIG CITY, Philippines — Isang kapanapanabik na overtime game ang nasaksihan ng mga manonuod kahapon sa do-or-die match ng NHA Builders at BFP Firefighters sa Ynares Sports Arena para sa nalalabing slot sa semifinals ng UNTV Cup Season 4.
Hindi magkamayaw ang sigawan ng fans sa init ng sagupaan ng Firefighters at Builders na kapwa ayaw sumuko sa huling sandali ng laban.
Dinomina ng NHA Builders ang 1st hanggang 3rd quarter kung saan nagawa pang tambakan ng labing isang puntos ang BFP.
Last two minutes ng fourth quarter, lamang pa ng isa ang NHA, ngunit sa pamamagitan ng 3 points ni Julius Jayona nagawang lumamang sa unang pagkakataon ng BFP, 62-61.
Huling apatnapu’t dalawang segundo, lamang ang BFP ng dalawang puntos, 64-62.
Dito na tumawag ng timeout si NHA Head Coach Benneth Palad at inihanda ang play na matagumpay namang na-i execute ng Builders sa pamamagitan ni Marvin Mercado, 64-all, sa 24.1 seconds na lamang ang nalalabi.
Tinangkang tapusin na ng BFP ang laban ngunit sumablay ang kanilang inihandang play hanggang sa maubusan na ng oras.
Sa pagtatapos ng last quarter, kapwa fouled out na ang key player ng magkabilang team na sina power forward Marlon Adolfo ng BFP at ang shooter ng NHA na si Antonio Lustestica Jr.
Pagpasok ng overtime play, lumamang ng two points ang NHA, ngunit na fouled out naman ang kanilang center na si Marvin Mercado na may record na 20 points at 15 rebounds.
Last two minutes sa overtime game, napilitang ilabas ang isa pang key player ng BFP na si Richmond Sibal dahil sa injury lamang ng dalawang puntos ang NHA.
Last 9.8 second, naipasok ni Marvin Nadia ang napakahalagang one point mula sa free throw na nagbigay ng assurance sa tagumpay ng Builders.
Hindi pa rin sumuko ang BFP at naipasok ni Julius Jayona ang three-point shot, ngunit ubos na ang oras.
Sa huli nanaig ang NHA sa isang puntos lamang na kalamangan, 74- 73.
Tinanghal na best player of the game si Marvin Nadia na may 9 points at 3 rebounds. At si Michael Taguiam na kumamada ng 10 points at 10 rebounds kabilang ang napakahalagang 2 points sa overtime game.
Pahayag NHA Builders Head Coach Silverio “Benneth” Palad III, “First of all, thank you kay Jesus Christ, kay Lord God. Ang sarap po ng feeling namin at nanalo kami kahit medyo hirap na hirap.”
Sabi naman ni BFP Firefighters Head Coach Ramon Garcia, “Medyo yung half court namin hindi nag-click, so struggle kami sa mga shooting namin.”
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang NHA sa semifinals ng liga ng mga public servants sa ikalawang taon ng kanilang pagsali.
Dahil dito buo na ang apat na teams na maghaharap sa UNTV Cup Season 4 Semifinals.
Sa darating na Biyernes, magsasagupa sa first game ang PNP Responders at MMDA Blackwolves. Sa second game naman ay ang pagtutunggali ng NHA Builders at AFP Cavaliers sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (BERNARD DADIS / UNTV News)
The post NHA Builders pasok na sa semi-finals ng UNTV Cup Season 4; BFP Firefighters, nagpaalam na sa liga appeared first on UNTV News.