Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Sa Piling Mo’y Payapa”, unang weekly winner sa buwan ng Pebrero sa ASOP Year 5

$
0
0
Ang composer ng "Sa Piling Mo'y Payapa" na si Carmencita Francisco at interpreter Venus Pelobello habang inaawit ang unang ASOP Song of the Week ngayong Pebrero. (Jonathan Adizas / Photoville International)

Ang composer ng “Sa Piling Mo’y Payapa” na si Carmencita Francisco at interpreter Venus Pelobello habang inaawit ang unang ASOP Song of the Week ngayong Pebrero. (Jonathan Adizas / Photoville International)

CALOOCAN CITY, Philippines — Isang power ballad genre na may titulong “Sa Piling Mo’y Payapa” ang nagwagi bilang “Song of the Week” sa unang linggo ng Pebrero sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ng UNTV.

Ito ay obra ng isang bagauhang kompositor na si Carmencita Francisco na na-inspire gumawa ng papuring awit dahil sa pagkakasali sa grand finals ng ASOP Year 4 ng kanyang kaibigang si Leonardo de Jesus.

Pahayag ng composer ng “Sa Piling Mo’y Payapa” na si Carmencita Francisco, “Actually, hindi ko pinapalagay na nanalo ako. Mahirap na kasi mag-expect ‘di ba? Pero siyempre, Salamat sa Dios at nakuha ‘yung kanta ko for this week.”

Nagandahan din sa naturang awit ang interpreter nitong si Venus Pelobello na pinsan naman ni ASOP Year 3 Finals Best Interpreter Beverly Caimen.

Ani Venus, “Kasi nung narinig ko ‘yung melody, madali siyang kantahin. So, tayo namang mga Pilipino, gusto natin ‘pag nakarinig tayo ng kanta kailangan matatandaan natin.”

Nakatunggali ng awit ni Carmencita ang mga papuring awit na “Iniibig Kita” ni Rodel Cubacub na inawit ni JR Estodillo at “Don’t Quit on Giving Up” ni ASOP Year 1 Grand Finalist Rigor Jay Arellano na inawit naman ni Europop 2015 grand winner Ryan Tamundong.

Kasama naman ni regular judge Mon del Rosario na tumayong hurado sina Rannie Raymundo at Miss Carla Martinez. (ADJES CARREON / UNTV News)

The post Awiting “Sa Piling Mo’y Payapa”, unang weekly winner sa buwan ng Pebrero sa ASOP Year 5 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481